Dahil sa hindi ina-asahang sitwasyon sa Grindavík

  • Almannavarnir
  • 29. janúar 2020
Dahil sa hindi ina-asahang sitwasyon sa Grindavík

Malamang ay walang mangyayari, 

Ang resulta ng isinagawang pagpupulong kahapon sa palaruan o gymnasium ay mas malamang na walang mangyayari dahil sa mga naganap na lindol sa bundok ng Thorbjörn. 9 sa loob ng 10 sa mga nasabing kaso ay walang magaganap na lindol kaya maituturing na isang mahiwagang pagsabog lamang ang magiging resulta kung sasabog man ang bulkan.

Kagaya ng mga nakaraang kasaysayan ng pagsabog ng lindol kailangan ay maging sapat ang oras ng pagtugon upang ang mga tao ay makalabas sa kanilang lugar kung sakali mang sumabog ang bulkan. Ang mga espesyal na plano ay isinasagawa gaya ng mga tuntunin ng paglisan at pagtugon sa mga natural na peligro tulad ng pagsabog ng bulkan. 

Bilang karagdagan, ang kapaki-pakinabang na impormasyon ay ibinigay sa seguridad ng mga gamit kung meron mang mga pinsala na dulot ng mga natural na sakuna. Samakatuwid, mabuti na suriin ng mga tao ang halaga ng seguridad ng mga ari-arian sa kanilang tahanan. 

Fannar Jónasson, mayor ng lugar ay nagsuri ng sitwasyon pagkatapos ng isang pagpupulong sa Icelandic Meteorological Office kahapon. Sinabi nya na ang pokus ay dapat na ipaalam sa mga mamamayan ng maaari. 

Sinabi ng Puno ng Pulisya na si Ólafur Helgi na hindi kailangang maghintay para sa mangyayari, ngunit ang mga taga Iceland ay sanay naman sa mga ganito. “Maghanda tayo ng maigi, mga pulisya at mga awtoridad, sa pamamagitan ng pag-iipon ng mga lubid.” Mahalaga ay ibahagi natin ang impormasyon at pag-usapan. Ang isang dilaw na alerto ay nangangahulugang naghahanda kami para sa maaaring mangyari gaya ng kung kailan kailangan umalis ang mga tao sa kanilang tahanan. Ang importante ay sundin ng mga tao ang tagubilin at isagawa ito. Ang pulisya ay magmamasid sa mga susunod na 24 oras. 

Ang Suðurstrandarvegur, kalsada sa Grindavík at kanluran matapos ang Reykjanes ay ang mga ruta o daan upang makaligtas. Ang mahalaga ay alam at pag-isipan ng maigi ng mga tao kung aling mga bagay ang pinaka-importante na dalhin gaya ng gamot, salamin sa mata, dahil minsan ang mga bagay na ito ay nakakalimutan sa mga ganitong sitwasyon. Isulat kung ano ang mga bagay ng kailangan ninyong dalhin. Ito rin ay magsisilbi bilang isang magandang oportunidad para maging mahusay na pag-ensayo kung mangyayari man ang mga naturang kalamidad. Huwag kalimutang ipa-alam sa mga bata, sang-ayon sa hepe ng pulisya.

Si Kristín Jónsdóttir mula sa Icelandic Meteorological Office:

“24 oras ang pagsubaybay ng Icelandic Meteorological Office sa mga paggalaw ng lupa at mga paglindol. Sama-samang pagbabantay at pag monitor. Marami nang naitalang aktibidad na mga lindol mula noong taglagas pa gaya sa bundok ng Fagradalsfjall, ngunit ang pagbabago sa ngayon ay mas marami ang nagaganap na lindol malapit sa Grindavik ang napansin kamakailan. Ang mga lindol na ito ay patuloy pa rin. Ang naiiba sa ngayon ay ang mga naitalang lindol ay nanggagaling sa gitna ng Thorbjörn. Nasukat at naitala ng Landris sa bandang kanluran ng Þorbjörn na mga ilang kilometro kalalim. Ang landris na ito ay nangyari nang napakabilis, mga 2 cm. Sa huling anim na araw, 3-4 milimetro ang naitagayad sa loob ng isang araw at ito ay patuloy pa rin. Ang mga sukat ng GPS ay nagpapakita rin ng pagtaas ng lupa. Maaari makita ang mga lindol at listahan ng lindol sa website ng Icelandic National Weather Service. Kung may mga napansin kang anumang mga makabuluhang pagbabago ay maaaring makipag-ugnayan sa National Weather Service (Veðurstofan),” sabi ni Kristín.

Sinabi ni Magnús Tumi Guðmundsson na propesor ng geopisika na:

“Ang aktibidad ng bulkan ay nagpapa-siklo sa Reykjanes at hindi ito sumabog sa loob ng 800 taon. Ang ganito mga kaganapan sa ngayon ay malamang na mangyari muli sa susunod na ilang taon o dekada. Ang dahilan para sa antas ng contingency ay hindi natin maaaring isapalaran. Nakatira tayo malapit sa isang bulkan. Kailangan tayong maging handa. Maraming iba-ibang sitwasyon ang posibleng mangyari. (Tingnan ang mga slides sa website ng National Weather Service). Bagamat ang mga naturang kaganapan ay hindi kinakailangang nangangahulugang magkaroon ng pagsabog, ngunit ito ay isang posibilidad. Ito ay huling nangyari noong 1789.” 

“Ang sitwasyon ay maaaring dahilan ng akumulasyon ng boltahe, ngunit ang senyas na ito, kapag nangyari ang pagguho ng lupa, malamang na mangyari dahil sa mga deposito ng magma. Naghahanda kami para sa pagsabog. Samakatuwid, mahalaga na maghanda ang mga tao para dito. Pagkatapos ng lahat, mayroon tayong mga detektor ng usok sa ating mga bahay. Paanong gagalaw ang mangyayari sa pagsabog? Sa Svartsengi ang huling aktibidad ay noong 1226-1240, mula noon ay hindi na ito sumabog. Gaano maging katindi ang pagsabog na ito? Hindi sa malaki gaya ng kaugnayan sa pinakamalaking pagsabog sa Iceland, tulad ng pagsabog ng Skaftár noong 1783 at ang pagsabog sa Öræfajökull 1362, ngunit ito ang mga pinaka-malalaking pagsabog ng bulkan sa Iceland. “

Ang pagsabog ng bulkang Katla noong 1918 ang pinakamalaki at pinakamapanganib. Malaki rin ang pagsabog ng bulkang Heimaey. Hindi magkakaroon ng pagsabog ang bulkan sa Reykjanes sa pinakamalaking kategorya ng mga nasabing pagsabog ng bulkan, tulad ng mga iba pang nabanggit dito. Ngunit maaari pa ring mangyari ang pagsabog malapit sa Grindavík. Sa pagsabog ng bulkan ay pwedeng magdaloy ang lava at malakas sa unang 24 oras umagos ngunit ang paglabas ay mababawasan ng mabilis pero maaaring tumagal ng mga ilang araw o linggo. Iyon ang halimbawang pweding mangyari sa Grindavík. Saan malamang mangyari ang pagsabog? Sa mga lugar na may bitak kung saan nasukat ang mga pagsabog o lindol. Mahirap maipaliwanag ngunit malamang na sa basag o bitak sa may kanluran ng Þorbjörn at hindi sigurado kung gaano kalaki at malamang na hindi makakarating sa dagat. Ngunit ang mga pagsabog ay malamang na katulad sa mga pagsabog na nangyari noong unang mga siglo sa Reykjanes at samakatuwid ay hindi masyadong mapanganib, sinabi ni Magnús Tumi sa kanyang pamahayag.
 


Deildu ţessari frétt

AĐRAR FRÉTTIR

Tónlistaskólafréttir / 3. apríl 2020

Próf tónlistarskólans á netinu

Fréttir / 31. mars 2020

Myndrćnar leiđbeiningar vegna Covid-19

Fréttir / 26. mars 2020

Árétting vegna skólastarfs

Fréttir / 26. mars 2020

Breyttur opnunartími í Lyfju

Fréttir frá Ţrumunni / 25. mars 2020

Rafrćn Ţruma

Fréttir / 24. mars 2020

Áskorun: Bangsar út í glugga